Muling minaliit ng Commission on Elections o COMELEC ang pahayag ng ilang eksperto na hackable o maaaring mamanipula ang mga gagamiting vote counting machines sa darating na halalan sa Mayo.
Kasunod ito ng naging pahayag ng isang Dr. Jin Battug na nagpapakilalang automated elections expert na hindi umano totoo ang source code dahil wala naman talaga nito sa makina.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, mas maganda aniya para kay battug na maglabas ng ebidensya o pruweba at handa naman silang makinig ditto.
Para naman kay COMELEC Spokesman James Jimenez, wala silang sinasabing unhackable o hindi maaaring mamanipula ang mga makinang gagamitin sa eleksyon.
Malinaw aniya ang itinatadhana ng batas na kinakailangang busisiing mabuti ang mga tinatawag na source code bago, habang at pagkatapos ng halalan upang matiyak na malinis ito at hindi mabahiran ng pandaraya.
By: Jaymark Dagala