Umalma ang Malacañang sa bintang na manhid ang gobyerno sa isyu ng laglag-bala sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Kasunod naman ito ng batikos na inaabot ng pamahalaan sa tila paninisi ni Pangulong Aquino sa media na nag-sensationalize o nagpalaki umano sa nasabing isyu.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, humirit pa ng konting panahon ang Department of Justice o DOJ para sa resulta ng imbestigasyon.
By Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)