Sinagot ng Malacañang ang bintang ng Trade Union Congress of the Philippines na minamadali ang pagbibigay ng dagdag na benepisyo sa mga opisyal at top executives ng SSS.
Kasunod ito ng pinirmahang kautusan ni Pangulong Noynoy Aquino na nagpapahintulot ng compensation ang position classification system at general index of occupational services para sa mga Government Owned and Controlled Corporation.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, nananatili ang commitment ng gobyerno na mapaganda ang sahod at benepisyo ng lahat ng kawani ng gobyerno kasama na ang sektor ng GOCC.
Layon nito na matapatan ang kompensasyon at renumeration system ng mga nasa pribadong sektor at maakit ang publiko na magtrabaho sa gobyerno.
By: Avee Devierte