Paiigtingin pa ng pamahalaan ang kanilang hakbang upang ibalik sa dating ganda at sigla ang mga kagubatan sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng kaniyang pagbisita sa Cagayan na isa sa mga pinakamatinding binaha dulot ng Bagyong Ulysses.
Duon, pinulong ng pangulo ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang talakayin kung paano pa mapag-iibayo ang kanilang serbisyo sa mga nasalanta ng kalamidad.
Inatasan ng pangulo ang iba’t ibang lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan sa binuong task force na tututok sa pagtugon ng pamahalaan sa paghagupit ng bagyo.
So ang ating gawain, we will do everything to return to normality. In the meantime ang problema talaga ay sunog, food at water. [We will send to the people] and sustained them. ani Duterte
Pinatitiyak ng pangulo sa iba’t ibang ahensya ng gubyerno ang agarang pagbabalik sa normal ng sitwasyon sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng sakuna.
I also urge the LGUs to actively collaborated to the task force created to lead the rehabilitation efforts. Because your life including your good health, safety and improve welfare. The government seize priority in this note I want to express gratitude to the LGUs, Philippine National Police, The Armed Forces of the Philippines, The Philippine Coast Guard and all private organizations on their relentless efforts to assist the victims of the Typhoon Ulysses. ani Duterte