Malaking tulong para sa mga mamamahayag ang itinatag na task force ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y para bantayan ang mga dati na at naitatalang kaso ng pagpatay sa mga media personalities sa bansa.
Ayon kay Herman Basbaño, National Chairman Ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP, umaasa siyang magiging daan ang nasabing task force upang malutas ang mga kaso ng media killings.
Partikular na aniya rito ang paghahanap ng hustisya ng pamilya ng mga nabiktima ng malagim na Ampatuan Massacre sa Maguindanao na nagluluksa pa rin hanggang sa kasalukuyan.
By: Jaymark Dagala