Inatasan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang Department of Health na bumuo ng isang working group.
Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque, matapos aprubahan ng IATF ang pagpapatuloy ng weekly genomic biosurveillance activities sa bansa.
Ayon kay Roque, ang binuong working group ang siyang tututok sa pagresolba ng pagpopondo, availability, paggamit ng quarantine facilities at pag-turn over sa mga lokal na pamahalaan ng mga uuwing Pilipino mula sa ibayong dagat.
Kasunod nito, inatasan din ng IATF ang DILG na maglabas ng abiso sa mga LGU’s na paghandaan at palakasin pa ang maintenance ng kanilang pasilidad maging ang paggamit ng stay safe contact tracing app.