Iminungkahi ni dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Gregorio Larrazabal, ang pagpapaigting ng kampanya ng COMELEC, para ipaalala sa mga botante na magpa-biometrics.
Sinabi ni Larrazabal na mayroon nalang apat na buwan bago magtapos ang pagpaparehistro, at kailangang maiwasan ang pagdagsa ng mga botante sa Oktubre.
Ayon kay Larrazabal, malaking tulong din kung magiging mas madali para sa publiko ang paghanap sa mga lugar kung saan sila magpapa-biometrics.
Idinepensa din niya na ang pagpapa-biometrics ay bahagi ng requirement sa pagboto, na nakalagay sa ating batas.
Aniya, sakaling mayroong tumututol dito, makakabuting kuwestyunin na agad ito sa korte at huwag nang antayin ang Oktubre.
Smartmatic
Binigyang diin ni dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal, ang kahalagahan ng pagsagot sa mga paulit-ulit na tanong ng mga botante hinggil sa eleksyon.
Sinabi ni Larrazabal na hanggat hindi nalilinawan ang tao, tiyak na makakaapekto ang mga agam-agam nito sa eleksyon.
Iminungkahi din ni Larrazabal ang pagiging bukas sa iba pang supplier para sa teknolohiyang gagamitin sa eleksyon, dahil ang mahalaga naman dito, ay hindi ang kumpanyang magbibigay nito, kundi ang mismong produkto.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit