Hindi naman ipinipilit ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga botante na magbigay ng biometrics o mga personal na impormasyon.
Nilinaw ito ni COMELEC Spokesman James Jimenez na iginigiit na ang biometrics ang isa sa pangunahing kailangan para maideklarang valid voter ang isang nais makiisa sa automated elections.
Sinabi ni Jimenez na kung ayaw magbigay ng biometrics ng isang botante, maaari itong mawala sa listahan ng active voters na uubrang bumoto sa 2016 habang ang mga kandidato naman ay hindi maaaring makatakbo sa susunod na eleksyon.
By Judith Larino