Ipinatutupad na sa Camp Crame at iba pang kampo ng PNP ang biosafety plan bilang bahagi nang pag iingat kontra COVID-19.
Ayon kay PNP Chief Archie Gamboa bahagi ng nasabing hakbangin na rekomendasyon ng kanilang health service ang pagpapatupad ng decontamination procedure para sa mga pulis na papasok ng mga istasyon o opisina mula sa field duty.
Hindi aniya imposibleng makuha ng sinumang pulis ang COVID-19 sa pagtupad nito ng tungkulin.
Sa ngayon binabantayan ng PNP health service ang 615 pulis na ikinukunsiderang persons under monitoring (PUM) bukod pa sa 45 pulis na persons under investigation (PUI).