Nabigo ang Bureau of Internal Revenue na maabot ang target collection para sa taong 2016.
Ito ang inamin ni BIR Commissioner Ceasar Dulay bunsod na rin ng kakulangan ng tauhan na tututok sa pangungulekta ng buwis.
Ayon kay Dulay, ang target nito ay 1.62 Trilyong Piso subalit sa kanyang pag-upo sa loob ng anim na buwan ay nakakulekta sila ng 1.565 Trilyong Piso, o 97% tax collection.
Sa kabila nito sinabi ng BIR Chief na nagawa naman nilang mapanatili ang growth rate ng mahigit sampung porsiyento kumpara noong 2015.
Umaasa si Dulay na sa pagpasok ng 2017 ay mas tataas pa ang kanilang kuleksiyon dahil sa mga ipinapatupad na mga pagbabago sa ahensiya.
By: Aileen Taliping