Inatasan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 19 nitong regional offices na bumuo ng special task force na tututok sa online transactions at social media posts na dapat nang buwisan.
Ito, ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, ay upang i-monitor at i-verify ang pagtalima ng mga online seller, social media influencer at ilan pang negosyo na nasa online platform.
Obligasyon anya ng mga nasabing business entity na i-rehistro ang kanilang mga negosyo, mag-file ng tax returns at bayaran ang anumang buwis sa gobyerno alinsunod sa batas.
Inaasahang lilikha ng database ang mga revenue officer para sa lahat ng online sellers ng mga goods at services, kabilang ang mga social media influencer.
Aalamin din kung sino sa mga ito ang hindi pa rin nakaka-pagparehistro at susuriin ang compliance ng mga ito,tulad ng pagbibigay ng resibo o sales invoice at books of accounts.—sa panulat ni Drew Nacino