Nalampasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tax collection nang magsimula ang Marcos administration.
Inihayag ng BIR na aabot na sa 426.3 billion pesos ang nakolektang buwis simula Hulyo hanggang Agosto katumbas ng 1.25% increase o 5.26 billion pesos.
Para sa buwan ng Hulyo, nakakolekta ang BIR ng kabuuang 14.8 billion pesos mula sa major tax reforms tulad ng Train Law, Sin Tax Law at Create Act na parehas na nasa 1.9 billion pesos.
Nakadagdag din sa koleksyon ang implementasyon ng BIR ng priority programs. —sa panulat ni Jenn Patrolla