Excited na si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na bumalik sa pribado nitong buhay simula sa June 30.
Ayon kay Henares, nasasabik na siyang mamuhay na malayo sa pagseserbisyo sa gobyerno kasabay ng pagbaba sa puwesto ng Pangulong Benigno Aquino III.
Plano ni Henares na mag-aral ng physical therapy o di kaya ay mag-enroll sa isang kurso online.
Samantala, wala namang epekto kay Henares ang pahayag nina Vice President Jejomar Binay at isa pang presidential aspirant na si Senadora Grace Poe na siya ang isa sa mga unang tatanggalin ng mga ito sa oras na manalo sila sa pagka-pangulo.
Nanindigan si Henares na ginagawa niya lamang ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng BIR.
By Ralph Obina