Isiniwalat ni Bureau of Internal Revenue Assistant Commissioner James Roldan na noon sila nagsasagawa ng imbestigasyon sa Mighty Corporation bago pumutok ang issue ng mga pekeng tax stamp sa kanilang sigarilyo.
Gayunman, tumanggi si Roldan na idetalye ang estado ng kanilang imbestigasyon at mag-komento sa alegasyon naman ng Mighty na sira ang gadget ng BIR kaya’t lumalabas na peke ang tax stamps sa mga kahon ng sigarilyo ng kumpanya.
Magugunitang nahaharap sa reklamong smuggling at economic sabotage ang mighty dahil sa mga peke umanong BIR Tax stamp sa mga produkto na nasabat ng Bureau of Customs sa ilang panig ng bansa.
By: Drew Nacino / Bert Mozo