Kinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa hindi pa nakokolektang estate tax mula sa isang personalidad.
Bagaman tinumbok ni Pangulong Duterte ang issue sa hindi nababayarang buwis, hindi naman nito tinukoy kung sinong indibidwal ang may malaking pagkaka-utang sa gobyerno.
Nabanggit ito ng pangulo kasabay ng kanyang paliwanag sa desisyon na ipagpatuloy ang online sabong sa kabila ng mga panawagan na suspendihin ang operasyon nito matapos ang pagkawala ng 34 na sabungero.
Magugunitang naging laman sa mga diyaryo, radyo, telebisyon at social media at nakaabot pa sa presidential debate ang issue ng 203 billion peso estate tax na hindi pa umano nababayaran ng pamilya Marcos.