Nakitaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng paglabag ang 94 na business establishments sa ikinasang tax compliance inspection nito ngayong araw sa 2 barangay sa Valenzuela.
Batay sa inisyal na datos ng BIR Revenue District Office 24, mula ito sa kabuuang 592 establisyementong kanilang inispeksyon ngayong araw.
Sa naturang bilang 125 na business establishment ang hindi nakitaan ng paglabag sa pamantayang dapat sundin ng isang negosyo gaya na lamang ng pag iisyu ng resibo, pagpaparehistro sa bir at pagbabayad ng income, VAT o percentage tax.
Kaugnay nito, karamihan naman sa mga nagawang paglabag ng mga business establishment ay ang hindi pagpapaskil ng kanilang business registration at wala sa lugar ng negosyo ang books of account.
Habang mayroon ding ipapasarang negosyo matapos ang inspeksyon dahil sa paglabag.
Nabatid na alas diyes nang umaga kanina nang simulan ng BIR RDO 24 ang pag iinspeksyon sa mga business establishment sa barangay marulas at karuhatan Valenzuela City. sa panunulat ni Hannah Oledan