Nagpaalala sa mga kandidato at partido ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa campaign tax rules sa 2022 national and local elections.
Ayon sa BIR, hindi dapat kalimutan ng mga kandidato at partido ang kanilang obligasyon sa buwis.
Base sa Revenue Memorandum Circular no. 22-2022, na inilabas ng BIR noong February 21, 2022, tungkulin ng lahat ng mga kandidato, political parties at party-list groups maging ang mga campaign contributor na magparehistro para sa kanilang buwis, i-update ang kanilang registration at dapat na mag-isyu ng official receipt.
Ito ay para maging batayan ng Statement of Contributions na isusumite naman sa Commission on Elections (COMELEC).
—sa panulat ni Angelica Doctolero