Nagpasa na ang report sa Senado ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa nagpapatuloy sa imbestigasyon sa mga taxpayers na konektado sa kontrobersiya sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Sa inilabas ng statement ng BIR, ipinadala ito sa senado sa kasagsagan ng executive session noong Enero 24.
Unang nagisa sa pagdinig ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) at ang Department of Health (DOH) dahil sa pagbili ng mga pandemic supplies.
Tinatayang nasa 88 taxpayers ang napangalanan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na subject sa audit investigation. —sa panulat ni Abby Malanday