Nahigitan ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang target nitong koleksyon para sa unang quarter ng taon.
Ayon sa BIR, umabot sa mahigit apatnaraang (400) bilyong piso ang kanilang nakolektang buwis simula Enero ng kasalukuyang taon hanggang Marso.
Labing apat (14) na porsyentong mataas ito sa nakolekta ng ahensiya noong nakaraang taon sa kaparehong panahon na umabot sa mahigit tatlong daan at pitumpong (370) bilyong piso.
Mahigit labing anim (16) na porsyentong mataas naman ito sa target na tatlong daan at animnaput isang (361) bilyong pisong tax collection ng BIR para sa unang quarter ng taon.
Iniugnay naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang pagtaas sa tax collection ng BIR sa unang tatlong buwan ng taon sa ipinatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Act simula noong Enero.
—-