Nakatakdang magpalabas ng Implementing Rules and Regulation (IRR) ang Bureau of Internal Revenue o BIR kaugnay ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na epektibo na simula Enero 1, 2018.
Kabilang dito ang revenue regulations hinggil sa income tax, withholding tax, value added tax, excise tax on petroleum, excise tax on automobiles, excise tax on mineral products, excise tax on tobacco, excise tax on sweetened beverage, cosmetic procedures, estate at donor’s tax, percentage tax, at documentary stamp tax.
Gayundin ang Revenue Memorandum Order o RMO tungkol sa value added tax (VAT) refund system at sistema sa eSales at eReporting.
Habang isang public consultations naman ang isasagawa ng BIR sa Enero 11 at 12, at internal briefing sa Enero 24 hanggang 26 hinggil sa TRAIN Law.
Kasabay nito, hinikayat ng BIR ang lahat ng mga tax payer na unawaing mabuti ang bagong batas sa pagbubuwis at makiisa sa mga gagawing public consultations ng BIR para sa maayos na pagpapatupad ng TRAIN Law.