Nanawagan ang sa E-sabong operators at sa mga nagnenegosyo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa kanilang obligasyon o tamang pagbabayad ng buwis.
Kasunod ito ng imbestigasyon ng senado kung saan napag-alaman na kumikita ang mga ito ng bilyun-bilyong piso halaga ng pera kada buwan mula sa online sabong o “talpakan” na naging popular sa mga “stay-at-home” na nagsusugal lalo na ngayong panahon ng pandemiya.
Nabatid na libo-libo ang tinatalpak o ipinupusta ng mga mananaya sa online sabong gamit ang E-wallet o Gcash sa kanilang pagbabayad.
Batay sa Revenue Memorandum Circular, lahat ng pagcor-licensed E-sabong entities ay kailangang magparehistro sa BIR, gayundin ang paghahain at pagbabayad ng kanilang buwis.
Bukod pa dito, ang mga “franchise taxes” ng mga E-sabong operator ay dapat na direktang ipinapadala sa BIR. – sa panulat ni Angelica Doctolero