Kalaboso ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa paghingi umano nito ng “padulas” upang ibaba ang buwis ng mga binibiktima niyang negosyante sa Zamboanga City.
Inaresto ng NBI – Western Mindanao Regional Office (WEMRO) ang suspek na si Flora Albao, Revenue Officer 4 ng BIR-Zamboanga City matapos tanggapin sa entrapment operation ang marked money.
Narekober kay Albao ang pulang paper bag na naglalaman ng kalahating milyong piso na nasa ilalim ng kanyang mesa.
Ayon kay NBI–WEMRO acting Regional Director, Head Agent Moises Tamayo, modus ng opisyal na magbigay ng napakataas na tax assessment sa mga bibiktimahin para mapupuwersa ang mga ito na makipag-areglo.
Isinumbong anya ng isang biktima si Albao sa NBI matapos maningil ng 3 million peso tax pero ibababa ito sa 2 million kapalit ng pera.
Nahaharap na sa kasong robbery-extortion at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ang BIR official.