Pangununahan ng Bureau of Internal Revenue at ilang opisyal ng mga anti-smoking advocates ang pagsunog ng nasa dalawampung truck ng pakete ng mga sigarilyo na may pekeng tax stamps sa Davao City.
Nakumpiska ang mga kontrabando sa mga warehouse at retail outlets sa Davao City, General Santos City, Tacloban City, Zamboanga at Cebu na pagmamay ari umano ng Mighty Corporation.
Matatandaan na matapos pagbayarin ng gobyerno ng bilyun-bilyong tax deficiency ang mighty corporation ay ibinenta na nito ang negosyo sa Japan tobacco Inc.
Samantala, wala namang nakatakdang araw pa ng pagsira sa mga sigarilyong nakumpiska rin sa mga warehouse sa Luzon.