Posibleng parusahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang importers at distributors na mapapatunayang nagkamali sa pagdedeklara ng produktong karne at mga manok para lamang makalusot sa pagbabayad ng Value-Added Tax (VAT).
Ito ang babala ni BIR Commissioner Caesar Dulay makaraang lagdaan ang revenue memorandum circular 100-2021.
Sa ilalim ng circular, ililipat na sa Bureau of Animal Industry mula sa food and drugs administration ang pangangasiwa sa permit para sa pag-angkat ng mga produkto.
Nakasaad din sa memorandum na walang ligal na mandato ang FDA na magpataw ng parusa sa mga importer sa kanilang misdeclaration ng feed ingredients, gaya ng mantika bilang animal feed ingredient upang makaiwas sa buwis.
—sa panulat ni Drew Nacino