Pinaiimbestigahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa Bureau of Internal Revenue o BIR si COMELEC Chairman Andres Bautista at maging ang mga kaanak nito para sa tax evasion.
Sesentro ang imbestigasyon sa alegasyon ng asawa ni Bautista na si Patricia, na mayroon umanong isang bilyong pisong ill-gotten wealth ang pinuno ng COMELEC.
Kasalukuyan namang sinisiyasat ng NBI at Anti-Money Laundering Council ang umano’y 38 bank accounts ni Bautista, kung saan ay ilan ay sa Luzon Development Bank.
Nakikipag-ugnayan din ang NBI sa Office of the Ombudsman sa pag-a-assess ng SALN o Statement of Assets, Liabilities and Networth ni Bautista.
By Meann Tanbio