Pinadali ng Bureau Of Internal Revenue (BIR) ang pagbabayad ng mga buwis sa mga taxpayers sa kabila ng pinsalang idinulot ng bagyong odette sa mga kabuhayan at ari-arian.
Ayon kay Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay, ang mga taxpayer na naapektuhan ng bagyo ay maaring mag-file ng return at magbayad ng kaukulang tax sa pinakamalapit na bir-authorized agent-banks kung saan sila nakarehistro.
Samantala, wala aniyang parusang ipapataw para sa maling filing of returns at pagbabayad ng nasabing tax. —sa panulat ni Airiam Sancho