Sinuspindi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapatupad ng income tax ng mga private school.
Ito ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, III ay habang hinihintay ang batas hinggil sa pagbubuwis sa kita ng mga pribadong eskuwelahan.
Nilagdaan na ni Dominguez ang suspensyon sa pagbubuwis sa private schools na makakatulong para gumaan ang pasanin ng mga ito lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Una nang ini apela ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) ang hindi pagsama sa private educational institutions sa uubrang mag avail ng Preferential Income Tax Rate at Concessionary Tax Rate sa ilalim ng Create Law.