Pinakikilos na ng Department of Finance ang Bureau of Internal Revenue o BIR para ipasara ang mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operators at mga service providers nito na mabibigong bayaran ang buwis ng kanilang mga manggagawang dayuhan.
Kasunod na rin ito ng ulat ng mababang koleksyon ng ahensiya mula sa ilang mga POGO sa kabila ng kanilang ipinadalang letter-notices.
Ipinalabas ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang kautusan sa kanilang inter-agency meeting noong Biyernes.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang BIR sa Department of Labor and Employment, Bureau of Immigrations at PAGCOR para sa pagpapatupad ng nabanggit na kautusan.
Batay sa datos ng BIR, umaabot na sa 1.4 billion pesos ang kanilang nakolektang buwis sa POGO mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon.
Habang nakapagpayad ng 175 million pesos na withholding tax ang mga service providers ng POGO noong 2017 at 579 million pesos noong 2018.