Hinimok ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang publiko at mga kumpanya na samantalahin ang ipatutupad na tax amnesty program.
Ito ay para malinis na rin ang record ng mga may pagkakautang at mga kaso sa pagbubuwis.
Ayon sa BIR, magsisimula na sa Abril 24 ang pagbibigay ng tax amnesty kasunod ng pagpapalabas nila ng implementing rules and regulation (IRR).
Sinabi ng ahensiya, maaaring maikunsiderang na resolba na ang kaso laban sa mga tax payers oras na makumpleto ng mga ito ang requirements.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tax Amnesty Act of 2019 noong Pebrero 14 kung saan sakop nito ang lahat ng pambansang buwis.
Sinabi naman ni Finance Undersecretary Antonette Tionko na kanilang inaasahang kikita ang pamahalaan ng mahigit 21 bilyong piso sa pagpapatupad ng tax amnesty.
—-