Ilan pang delinquent taxpayers ang kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa Department of Justice (DOJ) dahil sa paglabag sa Tax Code of the Philippines.
Sinampahan ng kaso sina Marlene Yang, treasurer ng kumpanyang Condi Commercial Corporation dahil sa hindi nabayarang 12-million-peso tax sa taong 2007.
Kabilang din sa kinasuhan ng BIR ang mga opisyal ng PSTI Food Supply Incorporated na sina Alfredo Belen Jr. matapos mabigong magbayad ng 11.4-million-peso tax noon ding 2007;
At Richard Dee, pangulo ng Quicksaler Corporation na distributor ng Uniliver Products na nabigo ring magbayad ng 127.4-million-peso tax sa kaparehong panahon.
Inihayag naman ng BIR na sa kabila ng kanilang mga paalala sa mga kumpanya at mga opisyal nito na magbayad ng buwis ay binaliwala pa rin ng mga ito na isaayos ang kanilang tax liability kaya’t kinasuhan na sila ng ahensya sa DOJ.
By Drew Nacino | With Report from Bert Mozo