Tumaas ng 47% ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue sa buwis noong Oktubre.
Sinabi ng BIR, na nakakolekta sila ng ₱274.43-B noong nakaraang buwan, na mas mataas ng apatnapu’t pitong porsyento kumpara sa ₱87.67-B na nakolekta sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Nalampasan din ng ahensya ang target na koleksyon ng buwis na aabot sa ₱21.65-B para sa Oktubre. - sa panulat ni Jenn Patrolla