Tiniyak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa online sellers na magiging makatuwiran sa pagtukoy ng tamang buwis na dapat bayaran mula sa kinikita ng mga ito.
Kasunod na rin ito ng direktiba ng BIR na magparehistro ang online sellers o mga nagnenegosyo gamit ang digital o electronic means para sa kaukulang pagbubuwis.
Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, nais ng ahensya na mairehistro ang lahat ng mga nasa online selling.
Sinabi ni Guballa na hindi sila maniningil ng malaking registration fee na nasa P500 lamang at P30 na documentary tax stamp.