Kasalukuyang tinutuos pa ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang kabuuang halaga ng buwis na nabigong bayaran ng Mighty Corporation matapos pekein ang mga tax stamp sa pakete ng kanilang mga sigarilyo.
Ito ay sa harap ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng amnestiya ang Mighty Corporation kapalit ng pagbabayad ng P3-B.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, hanggang sa ngayon ay hindi pa nila matukoy ang kabuuang halaga ng buwis na dapat bayaran ng naturang kumpanya ng tabako dahil sa hinahadalangan aniya sila ng mga abogado nito.
Una nang sinabi ni Dominguez na tinatrabaho na ng BIR at Bureau of Customs o BOC ang pangangalap ng ebidensya na kanilang isusumite sa Department of Justice (DOJ) bilang paghahanda sa isasampang tax evasion case laban sa Mighty Corporation.
By Rianne Briones