Welcome sa Malakaniyang ang ginawang pagtutuwid ng European Union (EU) hinggil sa ulat na iniipit umano nito ang mga suplay ng bakuna kontra COVID-19 partikular na sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang tuligsain mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU dahil sa pagkakaroon umano ng vaccine nationalism.
Ayon kay Roque, dapat linawin ng EU ang kanilang posisyon lalo’t maraming bansa sa mundo tulad ng Pilipinas ang nahihirapang makakuha ng bakuna .
Giit pa ng kalihim, mainam aniya ang ginawang pagpuna ng pangulo sa eu ani roque dahil kung hindi rito ay hindi pa sila mapipilitang maglabas ng gayung paglilinaw. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)