Idineklara na ng Department of Agriculture (DA) na bird flu-free na ang probinsiya ng Bataan.
Ito’y batay sa memorandum circular no.29, series of 2022, November 14, 2022, opisyal na idineklara ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa nasabing lalawigan.
Naapektuhan ang Bataan ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI), subtype na H5n1 nuong marso matapos magpositibo sa virus ang isang backyard mallard duck farm.
Ayon kay Panganiban, nakipag-ugnayan agad ang local government ng Bataan sa DA Regional Field Office III at Bureau of Animal Industry (BAI) para magsagawa ng disease investigation, immediate depopulation, cleaning at disinfection, movement restrictions at surveillance sa mga naapektuhang lugar.
Samantala, maliban sa Bataan, ang probinsiya ng Camarines Sur at Davao Del Sur ay nakarekober na rin mula sa Bird flu virus.