Malaki ang naging epekto ng pagkakaroon ng bird flu sa naging pagtaas ng presyo ng itlog sa merkado.
Ito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez sa harap ng nagmamahalang agricultural products at supply shortage ng itlog dahil sa avian influenza outbreak sa ilang lalawigan.
Tiniyak naman ni Estoperez na nakikipag-ugnayan na sila sa broilers at egg producers upang tugunan ang problema at bagaman nagsisimula nang makarekober ang local agri industry ay maaaring matagalan bago muling makabangon.
Batay sa panibagong price monitoring ng ahensya, naglalaro sa P6.90 hanggang P8.70 ang presyo ng medium-sized na itlog sa Metro Manila.
Pumapalo naman sa P10.00 ang regular-sized na ayon sa Philippine Egg Board Association ay masyadong mataas kumpara sa farm gate price na P6.20 hanggang P7.20. —sa panulat ni Hannah Oledan