Tiniyak ng Bureau of Customs ang pakikipagtulungan sa Department of Agriculture para mapigilan ang pagpasok sa bansa ng H5N1 bird flu mula sa China.
Ayon kay Customs Assistant Commissioner Philip Maronilla, mahigpit na nilang binabantayan ang lahat ng meat products na mula sa China.
Mino-monitor na rin aniya ng Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service ang lahat ng kargamentong papasok sa Pilipinas bago ito maka-ikot sa mga pamilihan.
Una rito, nagdeklara ang Hunan sa China ng outbreak ng bird flu virus kung saan namataya ang libu-libong manok.