Tiniyak ng National Economic Development Authority o NEDA na hindi makakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang problema ng bird flu sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay NEDA Director Ernesto Pernia, maliit lamang ang kontribusyon ng sektor ng agrikultura sa gross domestic product o GDP ng bansa.
Ito aniya ay nasa isang porsyento o mas mababa pa kaya’t hindi aniya maituturing na major GDP changer.
Matatandaang kabilang ang mga lalawigan ng Pampanga at Nueva Ecija sa mga may kaso ng bird flu sa bansa.
By Ralph Obina
SMW: RPE