Kontrolado na ang bird flu outbreak sa ilang itikan sa Bulacan at Pampanga.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, agad naipatupad ang mga protocols sa ilalim ng Avian Influenza Preparedness Plan.
Kabilang na anya rito ang pagsasagawa ng disease investigation, surveillance sa one-kilometer quarantine zone ng mga apektadong poultry farm.
Unang natuklasan ang bird flu outbreak noong Enero a-6, sa isang itikan sa Bulacan, habang nai-report ang pagkakasakit ng mga alagang pugo sa isang sa Pampanga noong Enero a –27.
Nagpaalala naman ang DA sa mga poultry raisers at farm workers, na mahigpit na ipatupad ang bio-security measures at sumunod sa mga temporary movement restrictions. —sa panulat ni Mara Valle