Binalaan ng Department of Health ang publiko laban sa posibleng pagkalat ng bird flu o avian influenza sa mga tao.
Ito’y sa gitna ng kumpirmadong kaso ng bird flu sa barangay Cagay, Roxas City sa lalawigan ng Capiz.
Ayon sa DOH, isang ‘zoonotic disease’ ang bird flu na maaaring tumama sa tao.
Maaari umano itong maipasa sa tao kapag nalanghap o nahawakan ang dumi ng may sakit na manok at kauri nito.
Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, ubo, sore eyes, pamamalat, hirap sa paghinga, pananakit ng kalamnan, panghihina at diarrhea.
Pinayuhan naman ng DOH ang publiko na maghugas ng kamay bago at pagkatapos humawak ng buhay o patay na manok at iba pang poultry product.