Matapos magpositibo ang ilang manok sa bird flu ay agad na kinatay ang mahigit 100K manok sa mga farm sa Sto. Tomas, Pampanga.
Ayon sa ulat, ang pagpatay sa mga manok ay ipinag-utos ni Mayor John Sambo upang hindi na kumalat ang bird flu sa lugar.
Batay sa ginawang testing ni Central Luzon Department of Agriculture Director Crispulo Bautista, positibo sa influenza type a subtype H5n1 virus ang ilang manok sa lugar.
Sa ngayon ay nasa 250 thousand pa na mga manok ang nakalinya upang katayin.
Mababatid na unang tumama sa lalawigan ng Pampanga ang Avian Flu noong 2017 at bagamat hindi ganoon katindi ay nasundan ito noong 2021.