Nagsimula na ang tatlong araw na ban ang mga otoridad sa bird watching sa Candaba, Pampanga.
Ang hakbang ay para mapigilan ang pagpasok ng bird flu H5N8 matapos kumpirmahin ng Russia ang unang kaso ng human transmission nito.
Bahagi ng attraction para sa bird watchers ang mga specie na nagmumula mula sa mga malalamig na bansa.
Nagkasa na rin ng health protocol ang mga otoridad para maiwasan ang pagkalat ng bird flu.
Kasabay nito ang panawagan ni Candaba Mayor Rene Maglanque sa mga nag-aalaga ng itik na ireport sa binuo nilang task force ang anumang sintomas ng bird flu na makikita sa kanilang mga alaga.