Ang pelikulang ‘Birdshot’ ng 24-taong gulang na direktor na si Mikhail Red ang napiling official entry ng Pilipinas para sa Best Foreign Language Film category sa 2018 Academy Awards.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong nanomina ang bansa sa nasabing kategorya sa Oscars.
Tampok ang aktor na si John Arcilla, ang pelikulang ‘Birdshot’ ay una nang nagwaging Best Picture sa Asian Future Film Competition sa 29th Tokyo International Film Festival.
Ito rin ang nagbukas ng Cinemalaya Filmfest ngayong taon.
Ipinalabas sa mga sinehan ang ‘Birdshot’ bilang bahagi ng katatapos lamang na Pista ng Pelikulang Pilipino.
Ang pelikula ay iikot sa istorya ng isang batang babaeng nanghuhuli sa boundary ng isang reservation forest at aksidenteng nabaril at napatay ang isang endangered Philippine eagle.
Ang paghahanap ng mga awtoridad sa salarin ay magbibigay daan naman sa mas nakakakilabot pang katotohanan.
PANOORIN:
—-