Muling nanindigan ang Malacañang na igigiit pa rin ng Pilipinas ang karapatan nito sa mga pinag-tatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang magbirong muli si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ikonsidera na ang Pilipinas bilang isang probinsya ng China.
Ayon kay Roque, nais lamang bigyang diin ng Pangulo na bagama’t nananatiling kaisa ng Pilipinas ang China, hindi pa rin ito bumibigay sa ginagawang pang-aangkin ng higanteng bansa sa mga teritoryong dapat ay sa mga Pilipino.
Magugunitang bagama’t naipanalo nuon ng Pilipinas ang protesta nito laban sa China sa West Philippine Sea, hindi pa rin ito ginamit ng Pangulo at sa halip ay pinili nitong makipagmabutihan sa China sa diplomatikong pamamaraan.
Posted by: Robert Eugenio