Sisimulan nang bawiin ng Office of the Solicitor General ang mga ari-ariang iligal na nakuha ng mga dayuhang sangkot sa pogo at kanselasyon ng kanilang mga illegal birth certificates.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na total POGO ban sa bansa.
Aminado naman ang OSG na kailangan nila ng tulong mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan gayundin sa suporta ng kongreso sa pamamagitan ng mga batas para mapabilis ang operasyon.
Bagama’t wala pa anila silang tiyak na datos kaugnay sa halaga ng mga nasabing ari-arian, unang hakbang anila ay bawiin at kontrolin ang pagpapatakbo sa mga ito. – Sa panulat ni Laica Cuevas