Bumaba ng 6% sa loob ng anim na taon ang birth rate sa Pilipinas.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan lumabas na may 190 sanggol ang ipinapanganak kada oras noong 2018.
Ayon sa PSA, may mahigit 1,600,000 ang naireshistrong ipinanganak noong 2018.
Sa parehas na datos, ipinakita rin na mas maraming lalaking sanggol ang ipinanganak kumpara sa babae.
Samantala, nagmula naman sa Luzon ang 58% ng kabuuang bilang ng mga ipinanganak na sanggol, habang 23% naman ay sa Mindanao at 18% naman ay sa Visayas.