Tila hindi umano malimot-limot ni Queen of All Media Kris Aquino ang isang dating naka-relasyon at itinuturing nitong malapit na kaibigan na nagdiwang ng kaarawan nito lamang nakalipas na Mayo 12.
Hindi man pinangalanan ni Kris ang tinutukoy niya sa kanyang mensahe halos iisa lang ang huli ng netizens at ito ay si Mayor Herbert Bautista na nag-birthday noong May 12.
Sa kanyang birthday message, sinabi ni Kris na may mga taong sadyang nagiging close friends na lamang matapos subukang pumasok kapwa sa iisang relasyon.
Ibinahagi rin ni Kris sa nasabing mensahe ang mga aral na aniya’y natutunan niya sa nagiging kakaibang takbo ng kanilang relasyon.
Maliban sa pagiging mabuti sa kanya, ipinabatid ni Kris na naging daan din ang dating kasintahan para maging mas positibo ang kanyang pananaw sa buhay.
Binigyang diin pa ni Kris na kahit sandali lamang ang kanilang romantic relationship, masaya siyang napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan sa loob ng maraming taon.
ByJudith Larino
Birthday message ni Kris Aquino sa dating karelasyon alamin was last modified: May 15th, 2017 by DWIZ 882