Tila nagmamakaawang hiniling ni Senador Alan Peter Cayetano kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumakbo na sa 2016 presidential elections.
Si Duterte ay kabilang sa mga panauhin ni Cayetano sa pagdiriwang ng kaniyang ika-45 kaarawan sa Taguig City kahapon.
Ipinaabot ni Cayetano kay Duterte ang pagnanais niyang maka-tandem pa rin ang alkalde na matigas naman sa kaniyang paninindigang hindi talaga siya tatakbo.
Una nang nagkita sa Davao City sina Cayetano at Duterte at sinasabing pinag-usapan ng mga ito ang posibleng pagsasanib puwersa sa susunod na eleksyon.
By Judith Larino