Mas mataas ang bisa ng booster shot kontra Omicron kumpara sa Delta variant.
Batay sa isang pag-aaral Sa United Kingdom, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa 81 percent ang effectiveness ng booster shot laban sa Omicron variant.
Paliwanag pa ni Duque, tatlong porsiyento lamang ang booster value kontra delta habang 16 percent naman Sa Omicron.
Una nang inanunsiyo ng Health Department na nasa high risk ang Pilipinas sa COVID-19.