Pinalawig na ang bisa ng 2020 national budget at bayanihan 2 o bayanihan to recover as one act.
Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang Republic Act number 11520 o batas na naglalayong magamit pa rin hanggang Disyembre 31, 2021 ang 2020 national budget.
Samantala, sa ilalim naman ng Republic Act number 11519, mananatili pa ring epektibo ang bayanihan 2 hanggang Hunyo 30, 2021.
Batay sa inilabas na dokumento ni Executive Secretary Salvador Medialdea, naipadala na kina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Lord Velasco ang kopya ng nilagdaang batas ni Pangulong Duterte.
Una nang sinertipikahan ni Pangulong Duterte anng 2 batas bilang urgent dahil mahalaga aniya tio para sa tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programa at proyekto pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.